BANGKAY NA NATAGPUAN SA ISANG IRIGASYON SA SAN QUINTIN, PANGASINAN, NAKILALA NA NG KAANAK

Isinangguni sa himpilan ng pulisya ang bangkay na natagpuang nakalutang sa irigasyon sa isang barangay sa bayan ng San Quintin.

Agad na tinungo ito ng awtoridad at kinumpirmang naagnas na nang matagpuan ang katawan.

Nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang totoong nangyari at pagkakakilanlan ng mga posibleng suspek sa naturang insidente.

Samantala, nakilala ng kaanak ang natagpuang katawan at nadala na sa kanyang pamilya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments