Bangkay natagpuan sa bayan ng Datu Paglas, Drug Suspect Arestado sa Parang

Isang bangkay ng lalaki ang tagpuan sa Brgy. Road ng Datu Paglas sa Maguindanao.

Sinasabing pasado alas singko kahapon ng makatanggap ng report ang mga elemento ng kapulisan kaugnay sa pagkakatagpo ng bangkay. Kinilala ang cadaver na si Danny Favila 24, residente ng Brgy. Bagumbayan Tulunan.

May mga tama sa kanyang ulo at dibdib ang biktima. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kung sino at kung ano ang maaring dahilan ng kamatayan ni Favila.


Nasa Divine Mercy Funeral Service sa Tacurong City ang labi ng biktima.

Patuloy na nakaalerto ang Datu Paglas MPS sa kanilang buong AOR.

Samantala arestado ang isang 20 anyos na residente ng Sitio Marigalupa, Brgy. G.T Biruar Parang Maguindanao matapos ikinasa ang buybust operation .

Kinilala ang naaresto na si Akmad Guindar Lumabao, na nakumpiskahan ng isang pirasong sachet ng shabu na nagtitimbang ng.06 grams na shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 1000 Pesos.

Himas rehas na ngayon sa Parang Jail Facility ang suspect.

Datu Paglas MPS Pic

Facebook Comments