Bangkay, natagpuan sa gilid ng kalsada sa Quezon

1269

Isang bangkay ng babae ang nakita sa gilid ng kalsada sa Quezon noong hapon ng Miyerkules, Enero 8.

Ayon sa ulat ng mga pulis, wala ng saplot ang 32-anyos na biktima nang matagpuan sa Brgy. Bukal Sur, Candelaria na sinasabing residente ng Brgy. Masambong at isang sales agent.


Bagaman lumalabas sa imbestigasyon na maaaring hindi ginahasa ang babae at inililigaw lamang ng mga suspek ang mga pulis, ipinasuri pa rin ang bangkay ng biktima.

Maari rin umanong pinalo sa ulo ng matigas na bagay at sinakal ang babae na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.

Patuloy namang inaalam ang tunay na dahilan ng krimen habang iniimbestigahan pa ang pangyayari.

Facebook Comments