Bangkay natagpuan sa ilog sa Taviran, DOS, Maguindanao

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang lalaki sa ilog sa bahagi ng Taviran Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Ngayong araw lamang ito ng mapansin ng mga residente ang di kanais nais na may masangsang na amoy at ng kanilang makita ay isang bangkay na nakatihaya habang nakatali ang dalawang kamay nito at nakapatong sa kanyang noo ,puno ng pasa ang buong katawan habang may tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang braso malapit sa siko.

Nakasauot ang biktima ng dirty green t-shirt at maong na short pants , butas rin ang kanang bahagi ng tiyan nito kung saan ay labas na ang kanyang bituka.


Ang pag kakakilanlan ng biktima ay kasalukuyan ng inaalam ng mga elemento ng kapulisan .(* Rejean Maghanoy ABCOM STI COTABATO)*

*FB PIC*

Facebook Comments