Bangkay ng 5 mountaineers sa Indian Himalayas, natagpuan!

Limang katawan ng hinihinalang mga mountain climber ang natagpuan ng Indian air force pilots sa Nanda Devi, Indian Himalayas.

Natagpuan ang mga bangkay kasunod ng pagkawala ng walong mountaineers, sampung araw na ang nakalipas dahil sa malakas na snowfall.

Ayon sa ulat ng foreign media, ang mga katawan ay nakita sa kaparehong ruta na tinahak ng nawawalang mountain climbers.


Dahil dito, ‘assumed dead’ na ang walong mountain climbers na apat na Briton, dalawang Amerikano, isang Australian at isang Indian.

Ang Nanda Devi sa Indian Himalayas ay ang second-highest peak sa India.

Facebook Comments