Bangkay ng 8-taong gulang na Batang Nalunod, Natagpuan na

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na kaninang umaga ang bangkay ng walong taong gulang na batang babae matapos maiulat na nalunod ito sa irrigation canal sa Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Pasado alas-3:00 ng hapon noong Agosto 9, 2021 ng makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa isang bata na nawawala matapos umanong maligo sa irigasyon.

Agad namang nagsagawa ng search and retrieval operation ang mga tauhan ng 141SAC, 14SAB PNP SAF, Kalinga PPO, PMFC, Tabuk CPS, BFP, DRRMC dahil sa insidente.


Base sa ulat, kinilala ang biktima na si Shayne Natarte na residente ng Sitio Callagdao, Brgy. Bulanao, Tabuk City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, naliligo ang biktima kasama ang kapatid nito at kaibigan sa irigasyon habang sila ay nakahawak sa isang tali ng biglang nabitawan ng biktima ang hawak na taliu dahilan upang tangayin siya ng malakas na agos ng tubig.

Paalala naman ng mga kinauukulan na bantayang mabuti ang kanilang mga anak para maiwasan ang hindi inaasahang insidente.

Facebook Comments