Bangkay ng babae na nakasiksik sa drum natagpuan sa Taguig

165

Taguig City – Isang bangkay ng babae na nakasilid sa loob ng drum ang natagpuan sa Bicutan, Taguig.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alex Santos, hepe ng Taguig Police, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng bangkay na tinatayang nasa 18 hanggang 22-anyos ang biktima.

Aniya, may nakitang alambre na nakapulupot sa leeg nang matagpuan ang biktima.

Sabi pa ni Santos, posibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima at iniwan lang sa Taguig ang labi nito.

Kumuha na ang mga awtoridad ng finger prints ng biktima para matukoy ang pagkakakilanlan nito habang inaalam na rin kung may kuha ang CCTV footage na makatutulong sa imbestigasyon.

Facebook Comments