Bangkay ng Babae, Natagpuang Palutang-lutang sa Ilog ng Cauayan City!

Nakita ng isang mangingisda ang bangkay ng babae na palutang-lutang sa ilog ng Purok 5, Barangay Santa Luciana, Cauayan City, pasado alas otso ng umaga kahapon.

Ipinarating ng mangingisda na si Ruben Ubido sa opisyal ng barangay na si Barangay Kaptain Alberto Mendoza ang kaniyang narekober na bangkay sa ilog kung saan ay inireport din sa himpilan ng pulisya.

Kaagad naman na nagresponde ang kapulisan at SOCO team ng Cauayan City at nakilala ang bangkay sa pamamagitan ng anak na si Bernard Domingo, dalawamput pitong taong gulang at residente rin ng nasabing lugar.


Kinilala ang bangkay na si Helen Domingo, limamput dalawang taong gulang, may asawa at residente ng Barangay Villa Domingo, Angadanan, Isabela.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na umalis sa kanilang bahay si Domingo noong ika walo ng Hunyo at hindi na bumalik hanggang nitong Sabado kung saan ay inireport na ito ng pamilya sa himpilan ng pulista.

Samantala kinumpirma ng pamilya ni Domingo na pumunta sa ilog para maligo ang biktima at nalaman ng kapulisan na may probrema umano sa pag-iisip ang matandang nalunod.

Facebook Comments