Bangkay ng babaeng nakatali ang kamay at paa natagpuan sa Sultan Mastura Maguindanao

37

Isang bangkay ng babae ang natagpuang palutang lutang sa mababaw na bahagi ng dagat sa barangay Buliok sa bayan ng Sultan Mastura sa lalawigan Maguindanao.
Ayon kay PSI Noel Dela Cruz, hepe ng Sultan Mastura Pnp pasado alas singko ng hapon nitong Miyerkules ng iparating sa kanila ng mga barangay officials ng Buliok ang impormasyon tungkol sa natagpuang floating cadaver.
Nakasuot ito ng kulay pulang leggings, naka red and black t shirt, 5″1 ang taas at tinatayang nagkakaedad ng 25-30 anyos .
Sinasabing nakatali pa ang kamay at paa nito ng matagpuan. Love triangle ang isa sa nakikitang motibo sa pagpatay. Agad ding inilibing ang bangkay dahil itoy naaagnas na ng matagpuan. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments