Bangkay ng Binatilyo na Hinihinalang Nalunod, Narekober

19

Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga otoridad ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang nalunod sa Pinacanauan river ng barangay Capatan, Tuguegarao City, Cagayan.


Nakilala ang biktima na si Justinn Lloyd Castillo, 13 taong gulang, out of school youth at residente rin sa naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas 2:00 ng hapon noong July 7, 2020 ay nagtungo sa ilog ang biktima upang maligo kasama umano ang kaibigan nito.

Napansin ng mga kaanak ng biktima na hindi pa ito umuuwi kaya’t hinanap nila ang biktima.

Isang Marlo Arao naman ang nagtungo sa kanyang bukid sa naturang lugar nang mapansin nito sa ilog ang nakalutang na katawan ng biktima na agad namang inihingi ng saklolo.

Nang matanggap ng pulisya ang naturang insidente ay agad nila itong nirespondehan kasama ang Tuguegarao City Rescue 1111 ngunit naabutan na wala nang buhay ang biktima.

Humiling naman ng post mortem examination ang PNP Tuguegarao City para matukoy ang tunay na ikinamatay ng biktima.




Facebook Comments