BANGKAY NG BINATILYO NATAGPUAN SA NUEVA VIZCAYA, NAKILALA NA

Natukoy na ang pagkakakilanlan ng bangkay ng lalaking natagpuan sa Brgy Roxas, Solano, Nueva Vizcaya kahapon, October 17, 2022.

Kinilala ito na si Edmar Alcantara alyas Oslog, 17-taong gulang, residente ng Purok 4 Brgy. Paitan, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Pinabulaanan naman ng PNP Solano ang mga kumakalat na impormasyon na ang biktima umano ang binatilyo ng van na ngunguha ng mga bata at nawawala ang mga laman loob nito.

Matatandaan na natagpuan ang bangkay sa Silap Road malapit sa Solano Public Cemetery na may butas sa noo, pasa sa mukha at katawan.

Tinatayang nasa 14-18 taong gulang ang biktima; 5’1″ ang taas at nakasuot ng olive green printed t shirt, color brown, black short pant at pulang bench brief.

Ayon sa PNP Solano, ang butas sa noo ng biktima ay mula sa tama ng baril.

May sugat din ito sa mukha, leeg, balikat at kamay.

Paalala ng kapulisan na iwasan ang pag post ng maling impormasyon, edited na police reports, at hakahaka na nagdudulot ng panic at takot sa mga tao.

Samantala, bukas naman ang PNP sa anumang impormasyon na makakatulong sa agarang pagresolba ng insidente upang matukoy ang suspek sa likod ng karumaldumal na krimen.

Facebook Comments