
Cauayan City – Bangkay na ng matagpuan ang katawan ng 13-anyos na binatilyong napaulat na nawawala matapos malunod sa ilog sa Brgy. Maddarulog, Enrile, Cagayan.
Ayon sa Station Manager ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team Tuguegarao Station na si Janet Patalinghug, nakita ng mga rescuers ng Enrile ang palutang-lutang na katawan ng biktima ngayong umaga ika-25 ng Marso malapit sa Buntun bridge sa lungsod ng Tuguegarao.
Matatandaang unang napaulat na nawawala ang biktima matapos nitong maligo sa ilog kasama ang kanyang mga kaibigan nito lamang araw ng linggo, ika-23 ng Marso.
Ayon sa kanya, kinumpirma mismo ng tatay ng binatilyo na ang natagpuang bangkay ay ang kanyang anak.
Facebook Comments