Bangkay ng Brgy. Kapitan, Natagpuan na Palutang-lutang sa Ilog

Cauayan City, Isabela- Narekober na ang bangkay ng isang kapitan ng Barangay Rancho Bassit mula sa Bayan ng Angadanan matapos malunod at magpalutang-lutang ang katawan nito sa kahabaan ng Cagayan river na sakop ng Brgy.Villa Luna, Cauayan City, Isabela

Kinilala ang biktima na si Herman Managuelod, 75-anyos, may-asawa at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga opisyal ng barangay kung saan natagpuan ang katawan ng biktima na nakalutang sa gilid ng ilog.


Samantala,kinumpirma ng nagngangalang Christopher Rumbaoa, 38-anyos at isang magsasaka na ang natagpuang bangkay ng biktima ay siya rin ang napaulat na nawawala nitong sabado (May 16,2020) sa bayan ng Angadanan.

Facebook Comments