Bangkay ng college student, natagpuan sa isang dorm matapos ang halos 2-buwan

Natagpuan ang bangkay ng isang 19-anyos na college student sa isang room sa dormitoryong tinutuluyan nito sa New Zealand.

Ayon sa opisyal, nakita ang katawan noong Lunes, alas-onse ng gabi sa Sonoda Residence sa University of Canterbury matapos maamoy ng ilang estudyanteng naroon ang masangsang na amoy.

Batay sa ulat ng pulisya, nakipag-ugnayan raw sa kanila ang ama ng biktima nang hindi na nito makita ang anak maging sa kanyang mga kaibigan.


Hindi na rin daw nagpapadala ng mensahe ang anak kaya’t nagpasya nang humingi ng tulong sa mga pulis.

Kaugnay ng pangyayari, naglabas ng pahayag si Professor Cheryl de la Rey, ang vice-chancellor ng naturang eskwelahan,

“We are devastated by what has happened and extend our deepest sympathy to the family. This is an extremely distressing time for University students and staff. The University of Canterbury is doing everything it can to support the Police investigation into the tragic death of a New Zealand student in the Sonoda student accommodation.”

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon at isinailalim na sa autopsy ang labi para alamin ang dahilan ng insidente.

Facebook Comments