Bangkay ng Construction Worker na Napabalitang Nawawala, Natagpuan

37

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na ang walang buhay na katawan ng isang construction worker pasado 7:30 kaninang umaga sa Brgy Dicamay 1, Jones, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Mark Angelo Atabug, 27-anyos, binata at residente ng Purok 4, Brgy. Esperanza, Angadanan, Isabela.


Ayon sa imbestigasyon ng Jones Police Station, kasalukuyan ang kasagsagan ng ulan habang nasa mini dam ang biktima at kanyang katrabaho upang ilikas ng mga opisyal ng barangay subalit ilang sandali pa ng bumalik ang biktima sa kanilang bunkhouse at magkaroon ng hindi inaasahang pagguho ng lupa hanggang sa maianod ito.

Sa ngayon ay nasa isang punerarya na ang biktima para sa isasagawang post mortem examination.

Paalala naman ng mga otoridad sa publiko na iwasan na ang bumalik sa mga lugar na mataas ang lebel ng tubig para makaiwas sa anumang insidente.

Facebook Comments