Bangkay ng dalawang lalaki brutal na pinatay-natagpuan

General Santos City—Dalawang Bangkay ng binatilyo ang natagpuan ng mga residenti ng Lanton, barangay Apopong , Gensan alas 5:00 ng madaling araw.

Ang dalawang biktima ay kinilalang sina Jason Dusal, 23, na residenti ng Barangay Lagao at Jay-ar Ampo, 19, na residenti naman ng Barangay Fatima Gensan.

Unang nakita ang bangkay ng isang biktima sa bakanteng Lote sa Purok 14, Lanton Apopong, habang ang isang biktima naman ay natagpuan sa isa ring bakanteng Lote sa Purok 15 na tinatayang nasa 500 meters ang layo mula sa bangkay ng isang biktima.


Napuno ng saksak ang katawan ng dalawang biktima at pareho pang ginilitan ng liig ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa panayam ng RMN Gensan News Team sa mga kaanak ng biktimang si Jay-ar, kanilang kinumperma na sangkot ito sa grupo ng mga Children In Conflict with the law at illegal drugs, naging asset din umano ito ng PDEA.

Sinabi naman ni Police Sr. Inspector Robert Fores, Deputy Chief of Police ng Police Sation 2 na posibling labis labis ang galit nga mga suspek sa dalawang biktima dahil na rin sa brutal na pagpatay sa kanila.

Facebook Comments