Manila, Philippines – Isinailalim na sa forensic examination ang labi ng dalawang Vietnamese fishermen na umanoy napatay sa isinagawang operasyon ng Philippine Navy sa may bahagi ng Bolinao, Pangasinan noong September 23.
Ayon kay AFP Spokesperson Csupt. Dionardo Carlos, sa ngayon hinihintay nila ang resulta ng forensic examination upang matukoy ang ikinamatay ng dalawang banyaga.
Batay sa initial report ng PNP nagtamo ng gunshot wounds ang dalawang Vietnamese na mangingisda.
Sinabi pa ni Carlos na may narekober na mga fragmentation ng bala na nakita ang PNP SOCO sa crime scene.
Batay sa report na nakarating sa PNP nang akyatin ng mga tauhan ng Phil. Navy ang fishing Vietnamese fishing boat nakita na lamang nila na patay na ang dalawang banyaga kung kayat kanila agad itong itinawag sa PNP para isailalim sa imbestigasyon.
Sa resulta ng forensic examination matutukoy ang totoong dahilan ng pagkamatay ng dalawa.
Una nang sinibak ang ship captain ng BRP Miguel Malvar habang isinailaim sa restrictive custody ang mga crew nito habang isinasagawa ang imbestigasyon.