Bangkay ng Isa sa Nawawala sa Pananambang sa Quirino, Isabela, Narekober Na!

*UPDATE:* Narekober na ng mga alagad ng batas ang wala ng buhay na katawan ng isa sa mga nawawala kahapon sa naganap na pananambang sa Brgy. Villa Miguel, Quirino, Isabela.

Batay sa follow up report ni P/Capt. Rustom Ortigero, narekober ang bangkay ni Ferdinand Pasion na tadtad din ng tama ng bala sa katawan at ulo sa isang palaisdaan sa naturang lugar.

Magugunita na noong gabi ng lunes ng walang habas na pagbabarilin ang grupo nila Pasion at Rubillos habang sila ay patungo sa Bayan ng Quirino, Isabela mula sa Tabuk, Kalinga.


Away sa lupa ang tinitignang anggulo ngayon ng pulisya higgil sa nangyaring pamamaril.

Samantala, nawawala pa rin ang isa sa biktima ng pamamaril na kinilala naman sa alyas na ‘Amor’.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang mga responsable sa naturang krimen.

Facebook Comments