BANGKAY NG ISANG LALAKI, NATAGPUAN SA BAKANTENG LOTE

Cauayan City – Natagpuang patay ang isang lalaki sa bakanteng lote sa Purok 5, Barangay San Pedro, Tumauini, Isabela kahapon ng umaga, December 17, 2024.

Kinilala ang biktima na si Norberto Gannaban, 54 anyos, may asawa at residente ng Barangay Balug, Tumauini.

Ayon sa impormasyong nakalap ng IFM News Team, natuklasan ni Boy Danao Agbayani ang biktima habang ito ay umiihi sa lugar na may sementadong pader at napansing din nitong nakababa ang suot na pantalon ng biktima.


Kaugnay nito, nagdesisyon ang pamilya ng biktima na huwag nang isailalim sa autopsy o post-mortem examination ang katawan ni Gannaban kung saan kumbinsido naman mga ito na ang pagkamatay ni Gannban ay dulot ng kanyang matagal nang iniindang karamdaman na anemia at sakit sa puso.

Pormal na nilagdaan ng kanyang pamilya ang isang waiver upang patunayang hindi na nila kailangan ang naturang pagsusuri.

Samantala, ayon naman sa mga otoridad, walang nangyaring foul play sa pagkasawi ng biktima.

Facebook Comments