Bangkay ng Isang Lalaki, Natagpuan sa Gilid ng Ilog!

399

Wala nang buhay nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Cagayan River ng Brgy. Garit Norte, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Victor Batag, 46 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Echague, pasado alas otso kaninang umaga nang makatanggap ang kanilang himpilan ng report mula sa isang magsasaka na si Mar Batag na may nakita umanong bangkay ng lalaki na nakahandusay sa damuhan sa gilid ng ilog habang nagpapastol ng kanyang alagang kalabaw.

Napag-alaman ng mga otoridad na walang anumang saksak o dugo sa katawan ng biktima na maaring sanhi ng kanyang pagkamatay.

Kaugnay nito, Inaalam pa rin ng kapulisan ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng biktima na pansamantalang dinala sa isang punerarya para isailalim sa autopsy.

Facebook Comments

From Advertisers