Bangkay ng Isang Lalaki, Natagpuan sa Lungsod ng Cauayan

1263

Cauayan City, Isabela- Natagpuan ang isang bangkay ng lalaki sa madamong bahagi na katabi ng residential building sa Bala Street, brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, kasalukuyang nasa punerarya (Carbonel) sa Lungsod ang bangkay ng biktima na nakilalang si Reynaldo Divina, 36 taong gulang at residente ng barangay Sillawit ng Lungsod ng Cauayan.

Una rito, isang nagngangalang Hernan Valencia, 64 taong gulang, vendor, residente ng Mabini St., habang nagbibisikleta ito sa gilid ng kalsada ay nakita nito ang nakahandusay na katawan ng biktima na agad iniulat sa Rescue 922.

Nang dumating ang mga kasapi ng Rescue at nadatnan na wala nang buhay ang biktima at napansin sa tabi ng katawan ng biktima ang isang improvised battery na gamit sa pangunguryente.

Wala din nakitang bakas o senyales na sinadyang pinatay ang biktima subalit ipinasakamay na sa SOCO Team at PNP Cauayan ang imbestigasyon para masuri ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Facebook Comments