Bangkay ng Isang Lalaki, Natagpuan sa San Manuel Isabela!

43

San Manuel, Isabela- Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa barangay Malalinta, San Manuel, Isabela kahapon, April 14, 2018.

Batay sa ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Francis Pattad, Hepe ng PNP San Manuel sa RMN Cauayan News Team, ang bangkay ay nadiskubre umano ng isang barangay kagawad na si Raymundo Astraquillo ng mapadaan ito kasama ng kanyang pamilya sa isang sementeryo lulan ng kanilang motorsiklo.

Ang bangkay ay nakasuot ng itim na t-shirt, maong na short pants na may green belt, naka tsineles ng asul na dragon brand at may taas na limang talampakan at tinatayang nasa trentay singko hanggang kwarenta ang edad.

Sa ngayon ay patuloy parin umano ang pagtukoy ng PNP San Manuel sa motibo at dahilan ng pagpatay sa biktima maging ang pag-alam sa katauhan ng hindi pa nakililalang suspek upang mapanagot sa batas.

Samantala, dinala na ng mga otoridad ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima sa Carbonel Funeral Homes matapos itong isailailalim sa medical na pagsususri.

Ipinapanawagan ngayon ng PNP San Manuel sa publiko na kung sino man ang nakakakilala sa biktima ay ipagbigay alam ito sa kanyang mga kaanak.

Facebook Comments