Bangkay ng Isang lalaki, Natagpuang Palutang-lutang sa Ilog Pinacanauan, San Mariano, Isabela!

*Angadanan, Isabela-* Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang makaraang araw sa Pinacanauan river, Brgy. Zone 2, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang narekober na bangkay na si Melencio Pinapit Pagulayan, 34 anyos, binata at residente ng brgy. Bitabian, San Mariano, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP San Mariano, unang nakita ng mangingingisdang si Allan Lazam Fernandez ang palutang-lutang na bangkay ng biktima na siyang nagreport sa himpilan ng pulisya.


Ayon umano sa kamag-anak ng biktima, dati na umano itong may sakit na epilepsy at maaari umanong umatake habang ito ay nasa ilog para mangahoy.

Ayon pa sa PNP San Mariano, wala umanong nakitang foul play sa pagkalunod ng biktima kaya’t hindi na rin ipina-autopsy ng pamilya ang bangkay ng biktima.

Facebook Comments