BANGKAY NG ISANG LALAKI, PATULOY NA PINAGHAHANAP MATAPOS MAANOD SA IRIGASYON

CAUAYAN CITY – Patuloy ang ginagawang retrieval operation sa bangkay ng isang lalaki na napaulat na nalunod at naanod sa isang irigasyon sa La Torre North, Bayombong.

Sa nakuhang impormasyon ng iFM News team, ang biktima ay isang 46-anyos na pauwi na sana ng kanilang tahanan ng aksidenteng mahulog sa irigasyon sakay ng kanyang bisikleta gabi nitong Miyerkules, ika-Labing Isa ng Setyembre.

Batay sa ulat, kinaumagahan, isang kawani ng National Irrigation Administration ang unang nakakita sa bangkay ng biktima na nasabit kasama ang ilang tumpok ng basura.


Kaagad naman nitong ipinagbigay alam sa mga awtoridad ngunit bago pa man dumating ay naanod umano muli ang bangkay.

Kaparehong araw ay inumpisahan ng ipunin ng NIA ang tubig sa irigasyon nang sa gano’n ay maanod palabas ang katawan ng biktima.

Nauna nang narekober ang bisikleta nito mula sa irigasyon na may lalim na mahigit 10 talampakan.

Facebook Comments