Bangkay ng Isang Lalaki sa Cauayan City, Natagpuan sa Loob ng Balon!

54

Cauayan City-Narekober ng mga otoridad ang bangkay ng isang lalaking umano’y pinagsasaksak at isinilid sa loob ng isang balon sa Dacanay St. Extension brgy. San Fermin Cauayan City.

Kinilala ang biktima na si Edward Dalog, 29 y/o, walang asawa at residente ng brgy. Labinab, Cauayan City habang ang mga suspek ay kinilalang sina Macmac Taguinin, 22 anyos, residente ng District 1, Cauayan City, Patrick Baretto, 18 anyos, walang asawa, residente ng District 2, Cauyan City Jimbo Dumelod, nasa hustong gulang, residente ng District 1, Cauayan City, Marvin Feliciano, nasa hustong gulang residente ng brgy. District 1 Cauayan City, Glaiza Satchi, nasa legal age, residente ng Cabaruan, Cauayan City, Alona De Leon, residente ng brgy. District 1, Cauayan City, Alyas Bitoy, residente ng District 1, City at si alyas Pallaya.


Batay sa ibinahaging impormasyon sa RMN Cauayan ay personal umanong ipinagbigay alam sa tanggapan ng Cauayan City Police Station na mayroon umanong bangkay ng lalaki ang nakita sa loob ng isang balon matapos itong pagsasaksakin partikular sa naturang lugar.

Agad namang rumesponde ang panig ng Cauayan PNP katuwang ang Rescue 922 at doon nakumpirma ang naturang insidente.

Sa ngayon ay patuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat ng mga otoridad upang malaman ang dahilan at motibo sa naturang pangyayari.

Facebook Comments

From Advertisers