Bangkay ng Isang LGBT, Natagpuan sa Tabing- Dagat!

454

*Tuguegarao City-* Tadtad ng saksak nang matagpuan ang nakahandusay na katawan ng isang lalaki na kinilalang si Anthony Quillopo Basilio, 25 anyos, walang trabaho, isang LGBT at residente ng Brgy. Punta, Aparri, Cagayan.


Sa follow-up report ng 98.5 iFM Cauayan, lumabas umano ang biktima kagabi matapos itong yayain ng kanyang kaibigang babae at nakita nalamang kaninang umaga ng mga concerned citizen na kasalukuyang nag-eehersisyo sa tabing dagat ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

Sa naging pagsisiyasat ng mga awtoridad, walang narekober na anumang gamit ng biktima gayundin ang ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima.

Sa ngayon ay nananatiling blangko ang PNP Aparri sa nangyaring pamamaslang sa nasabing LGBT gayundin ang pagkakakilanlan ng suspek sa nasabing krimen.

Patuloy naman ang malalimang pagsisiyasayat ng mga awtoridad sa naturang insidente.

Facebook Comments