Bangkay ng isang magsasaka, Natagpuan sa San Mariano, Isabela!

San Mariano, Isabela – Isang bangkay ng lalaki ang natapuan ng mga otoridad makaraang araw sa isang kubo partikular sa kabukiran ng Sitio Diwagden, Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nakatanggap ng ulat ang PNP San Mariano kahapon ng umaga na may natagpuang bangkay si Antonio Pondon sa isang kubo partikular sa kabukiran ng Sitio Diwagden dakong alas tres ng hapon nitong Pebrero 23, 2019.

Ang biktima ay kinilalang si Victor Tayaban, nasa tamang edad, magsasaka at residente ng nasabing barangay.


Inireport ni Pondon sa kanilang Barangay Kapitan at nagtungo ang mga opisyal ng barangay sa nasabing lugar at natagpuan ang bangkay ni Tayaban na sugatan sa bahagi ng kanyang leeg at dibdib.

Samantala, dinala na sa funeraria ang biktima habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments