Bangkay ng Isang Magsasaka, Natagpuang Palutang-lutang sa Ilog ng Delfin Albano!

Delfin Albano, Isabela – Isang bangkay ng magsasaka ang natagpuang palutang-lutang pasado alas onse ng umaga sa ilog ng Brgy. Ragan Almacen, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang narekober na bangkay na si Dionisio Balino Rempillo, kwarentay otso anyos, may asawa at residente ng Brgy. Andarayan, Delfin Albano, Isabela.

Sa ipinarating na impormasyon sa RMN Cauayan, itinawag umano ng isang concerned citizen na may napansin ang isang mangingisda na palutang-lutang na bangkay sa nasabing lugar.


Agad na nirespondehan ng PNP Delfin Albano ang naturang insidente at natukoy naman ng kaniyang pamilya ang pagkakakilanlan sa biktima.

Dinala na sa Charles Funeraria ang bangkay ni Rempillo.

 

 

Tags: dwkdrmncauayan, cauayan city, luzon, isabela, pnp delfin albano, Dionisio Balino Rempillo, Brgy. Andarayan, Delfin Albano, Isabela, Brgy. Ragan Almacen

Facebook Comments