Bangkay ng isang Magsasaka, Natagpuang Patay sa Irrigation Canal

21

Cauayan City, Isabela- Natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng isang magsasaka na nakalutang sa riverbank na sakop ng Purok 4, Barangay Babanuang, San Manuel, Isabela kahapon ng umaga, May 30,2021.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay PMAJ. Jose Torrijos, hepe ng PNP San Manuel, kinilala ang bangkay na si Justin Asuncion, 25-anyos at residente sa naturang lugar.


Ayon pa sa hepe, dalawang (2) beses umanong naliligo ang biktima batay sa pakikipag-usap nito sa mismong ina ng biktima kung saan malapit lang sa tahanan ng biktima ang naturang riverbank.

Sa imbestigasyon ng pulisya, May 29,2021 ng maligo ang biktima sa riverbank subalit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay kinagabihan kung kaya’t natagpuan ang bangkay kahapon ng umaga.

Kumpiyansa naman ang pamilya na walang ‘foul play’ sa nangyaring insidente bagama’t puno ito ng dugo sa mukha.

Sa ngayon ay hindi tumitigil sa pagroronda ang mga pulis katuwang ang mga opisyal ng barangay para mapaalalahanan ang publiko at maiwasan ang anumang insidente.



Facebook Comments