BANGKAY NG ISANG MANGINGISDA NATAGPUANG PALUTANG LUTANG SA BAYAN NG ANDA

Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng Isang kwarentay-tres anyos na mangingisda sa bayan ng Anda.
Ang biktima ay nakilalang si Rannie De Castro residente ng Brgy. Macaleeng sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, nakita ang bangkay ng biktima na palutang lutang sa tabing dagat sa kanilang lugar pasado alas tres ng hapon.
Ayon sa mga kaanak nito, ilang beses na umano itong inatake ng kanyang sakit na epilepsy na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagkalunod na humantong sa pagkamatay. | ifmnews
Facebook Comments