Bangkay ng Isang Guro, Natagpuan!

30382

Aurora, Isabela – Natagpuan kaninang umaga (January 13,2019) ang bangkay ng isang Head teacher sa Barangay Camarunggayan, Aurora, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), kinilala ang guro na si Bobby Fajardo Galiza, 48 anyos at residente ng nasabing lugar habang hindi pa mabatid ang pumatay sa biktima.


Napag-alaman na may mga saksak sa katawan si Ginoong Galiza na umanoy sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Kasalukuyan ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen sa pangunguna ng SOCO team.

Facebook Comments

From Advertisers