BANGKAY NG ISANG PEDICAB DRIVER, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA BAYAN NG MANGALDAN

49

MANGALDAN, PANGASINAN – Namataan ng tatlong menor de edad ang isang bangkay ng lalaking nagpalutang-lutang sa isang ilog sa bayan ng Mangaldan.

Kinilala ang biktima na si Ranny Bautista, 43-anyos, residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Sa naging panayam ng Ifm Dagupan kay PLt. Arnel Diopeza ng Mangaldan PNP at sa naging imbestigasyon ng kanilang kasamahan, maliligo sana ang mga nabanggit na menor de edad sa Angalacan River sa Brgy. Tebag nang mapansin nilang may palutang-lutang na isang katawan ng lalaki at agad nila itong ipina-alam sa kanilang pinsan at agad din nilang ipinag bigay alam sa awtoridad para respundihan ang naturang insidente.


Ayon pa sa kanya, base umano sa naging pahayag ng kapatid ng biktima, ay lulong na ito sa alak kung saan araw-araw umano itong lasing. Posible umanong naligo ang biktima sa ilog at dahil sa kalasingan ay hindi na nito na control ang sarili at tuluyang nalunod.

Dagdag pa niya, base sa isinagawang post mortem examination sa biktima para alamin ang dahilan ng pagkamatay nito ay lumabas na walang nakitang injury o kahit anong bahid ng pananakit.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na pagkalunod ang dahilan ng pagkamatay nito.



Sa ngayon, magsasagawa pa umano ng panibagong imbestigasyon ang awtoridad para alamin na walang naganap na foul play sa insidente.###

Facebook Comments