Bangkay ng Lalaki na halos Madurog ang Mukha, Tukoy na ng Pulisya

828

Cauayan City, Isabela- Tukoy na ang pagkakakilanlan ng bangkay ng isang lalaki ng matagpuan ito kaninang madaling araw sa Purok Anaraar, Harana, Luna, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Christian Joseph Pua, rolling meat vendor at residente ng Brgy. Saranay, sa bayan ng Cabatuan.

Ayon kay PCpt. Joebert Asuncion, hepe ng Luna Police Station, nakilala mismo ng live-in partner ng biktima ang bangkay na natagpuan sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, may saksak sa tiyan at matinding sugat sa ulo at halos madurog ang mukha na sinasabing pinagpapalo ng matigas na bagay ang biktima.

Hindi naman iniaalis ang pagnanakaw na tinitingnang anggulo sa pagpatay sa biktima dahil may malaki itong perang dala-dala na ipambibili ng baboy.

Tinangay rin ng mga suspek ang bag na naglalaman ng pera maging ang kanyang gamit na kolong-kolong hanggang sa inabandona nalang ito sa bayan ng Aurora.

Posible rin na itinapon lang sa lugar kung saan ito natagpuan dahil walang bakas na doon ginawa ang pagpatay sa biktima gayundin ang walang palatandaan ng panlalaban.




Patuloy naman ang isasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa walang awang pagpatay sa biktima.

Facebook Comments