Bangkay ng Lalaki na Hinihinalang Tinamaan ng Kidlat, Narekober!

374

*San Isidro, Isabela- *Natagpuang wala nang buhay ang isang magsasaka na hinihinalang tinamaan ng kidlat sa Brgy. Quezon, San Isidro, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Balbino Dela Cruz, nasa hustong gulang, may-asawa at residente ng Brgy. Quezon, San Isidro, Isabela.


Batay sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), bandang alas otso kaninang umaga nang makatanggap ng tawag ang PNP San Isidro mula sa isang concerned citizen kaugnay sa nakitang bangkay ng biktima na nakahandusay sa kanyang tent partikular sa bukirin na pagmamay-ari ni Arsenio Gragasin.

Ayon umano sa mga residente sa lugar, nakarinig umano ang mga ito ng malakas na kulog at kidlat kahapon kung saan nakita ang bangkay ng biktima.

Base naman sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad ay may nakitang sinyales ng sunog sa kanang hita ng biktima.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.

Facebook Comments

From Advertisers