Narekober na ng awtoridad ang katawan ng isang lalaki na hinihinalang nalunod noong April 14 sa Balincaguing River sa Mabini, Pangasinan. Kinilala ang biktima na isang 45 anyos na driver , residente ng Alaminos City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tinangkang kunin ng biktima ang bote ng shampoo na tinapon umano ng kanyang kasamahan sa ilog ngunit bigong mapansin na nasa malalim na bahagi na ito.
Unti-unti umanong lumubog sa ilog ang biktima na sinubukan pang isalba ng kaniyang kasamahan.
Matapos ang ilang oras, narekober ng awtoridad ang bangkay ng biktima sa ilog. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments