Bangkay ng Lalaki na Narekober sa Cabagan, Isabela, Tukoy na!

*Cabagan, Isabela- *Nakilala na ng mga kaanak ang narekober na bangkay ng isang lalaki noong Hunyo 4, 2019 sa Brgy. Cubag, Cabagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), ganap na alas dos ng hapon, Hunyo 5, 2019 nang personal na magtungo sa tanggapan ng Cabagan Police Station sila Jaydalyn Awing, 26 anyos, residente ng Brgy. Centro 10, Tuguegarao City at Kimberly Ann Caranguian, 21 anyos, residente ng Brgy. Annafunan, Tuguegarao City upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng narekober na biktima na si Jayson Awing, 22 anyos, walang trabaho at residente rin ng Brgy. Annafunan, Tuguegarao City.

Ayon kay P/Maj. Noel Magbitang, hepe ng PNP Cabagan, may nakitang tama sa ulo ang biktima subalit inaalam pa ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito.


Base naman sa kwento ng mga kaanak ng biktima, balisa umano si Jayson nang huli itong makita.

Sa ngayon ay pinaglalamayan na sa kanilang lugar ang labi ng nasabing biktima.

Facebook Comments