Bangkay ng Lalaki, Natagpuan sa Irigasyon

Cauayan City, Isabela- Natagpuan kaninang umaga, July 12, 2021 ang palutang-lutang na bangkay ng isang lalaki sa irigasyon na bahagi ng barangay San Juan, Alicia, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Jimmy Gallebo, 58 taong gulang, isang magsasaka at residente rin sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng Alicia Police Station, bumisita umano ang biktima sa bahay ng kanyang pinsan kahapon at nagkaroon sila ng inuman.


Subalit, kaninang umaga lamang ay nakita ng mga residente sa lugar ang palutang-lutang na katawan nito sa irigasyon na malapit din sa kanyang bahay.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj Francis Pattad, hepe ng PNP Alicia, lango umano sa alak ang biktima at posible aniya na dahil sa kalasingan ay dumeretso at nahulog ito sa irigasyon kasama ang bisikleta na sanhi ng kanyang pagkalunod.

Facebook Comments