Bangkay ng Lalaki, Natagpuan sa Sementadong Kanal sa Tabuk City

Cauayan City, Isabela- Natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng isang lalaki sa sementadong kanal sa national highway ng Purok Daya, Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Batay sa ulat ng Kalinga Police Provincial Office, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lalaki subalit may ilang indikasyon gaya ng pananakal at mga pasa sa kanyang katawan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP Tabuk, lumalabas sa imbestigasyon na may marka ng sakal sa leeg ang lalaki at may posibilidad na hindi pinatay ang biktima kung saan ito natagpuan dahil walang anumang bakas na nakita ang pulisya.


Dakong alas-7:00 kaninang umaga ng rumesponde ang pulisya kaugnay sa natagpuang patay na katawan ng isang lalaki sa naturang lugar.

Maliban dito, nakasuot ang biktima ng kulay blue na pantalon, polo stripes at black jacket at may ‘tattoo sa ilang bahagi ng kanyang katawan na nakasulat ang salitang “SMB BUDOY 94 sa kanyang kanang balikat.

Makikita rin ang disenyo na “agila” sa kanyang hita at ang maliit na ibon sa kanyang gitnang bahagi ng kanang hita.

Tinatayang nasa katamtaman ang pangangatawan ng lalaki at may tangkad na 6’2.

Sa kasalukuyan ay nasa isang punerarya ang lalaki at nakatakdang ilibing bukas ng tanghali kung walang kaanak na kukuha sa kanyang bangkay, bilang bahagi ng polisiya ng punerarya.

Facebook Comments