Bangkay ng lalaki natagpuan sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Isang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa bahagi ng Road 10, Smokey Mountain, Barangay 128, zone-10, Tondo, Manila.

Ayon kay Hanzel Seguerra, 37-anyos, pasado alas 4:35 kaninang madaling araw nang makita niya ang wala nang buhay na katawan ng lalaki.

Sa kasalukuyan ay naghahanap pa ang mga pulis ng CCTV footages sa lugar at mga tao na posibleng nakakilala sa biktima.

Itinurn-over na ng mga otoridad sa homicide section ang imbestigasyon para sa tamang disposisyon sa naturang insidente.

Facebook Comments