Bangkay ng Lalaki, Natagpuang May Tama ng Bala ng Baril sa Ulo

*Cauayan City, Isabela*- Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na natagpuang patay sa isang lote at hinihinalang biktima ng summary execution sa Brgy. Liwan Sur, Enrile Cagayan.

Ayon sa imbestigasypn ng PNP Enrile, may tama ng bala ng baril ang biktima sa kanyang ulo at kamay ng matagpuan ito sa bulubunduking bahagi kung saan natagpuan ang bangkay nito.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na tinatayang nasa edad 30 hanggang 40, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na jacket at pantalon na may singsing at kwintas na nakasuot sa katawan nito.


Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, posibleng pinatay ang biktima sa ibang lugar at itinapon lamang ito sa lugar.

Nananatili naman sa isang punerarya ang biktima para sa karagdagan pang imbestigasyon.

Facebook Comments