Bangkay ng lalaki, natagpuang palutang-lutang sa ilog sa San Pedro City, Laguna

Patay na nang matagpuan ang biktima na si alyas “Nouie”.

Natagpuan ang bangkay nito na palutang-lutang sa ilog na sakop ng Barangay GSIS, San Pedro City, Laguna.

Agad na nagkaroon ng retrieval operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng San Pedro, Bureau of Fire Protection, at San Pedro Coastguard hanggang matagpuan ito sa tabing-ilog.

Ayon sa kinasama nito, umalis ang biktima para manguha ng papakinabangan pa na mga basura sa ilog.

Facebook Comments