Friday, January 23, 2026

Bangkay ng lalaki, natagpuang palutang-lutang sa Quiapo pumping station ng MMDA

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng isang lalaking natagpuang wala nang buhay sa Quiapo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District, nadiskubre ang bangkay ng biktimang lalake pasado alas-2:00 ngayong hapon.

Nakita ito sa loob ng pumping station ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Muelle dela Quinta Street sa Brgy. 384 Quiapo, Maynila.

Ayon sa nakasaksi na isang tauhan ng MMDA, nadiskubre nila ang wala nang buhay na katawan ng biktima na palutang-lutang habang nagsasagaaa ng segregation sa mga basura.

Agad daw nila itong ipinagbigay-alam sa pulisya kung saan nakita ang lalaking inaagnas na nakasuot ng brown na t shirt, itim na shorts at may itim na salamin.

Sa ngayon, hawak na ng MPD Homicide ang kaso at patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima.

Facebook Comments