Bangkay ng Lalaki, Natagpuang Patay sa Loob ng Bahay!

46

Cauayan City, Isabela- Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy.Malasin, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Raymond Gadiano, 51 anyos, walang asawa, magsasaka na residente ng Purok 2, Brgy. Malasin, San Mateo, Isabela.


Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, mag-isa umano ang biktima na naninirahan sa kanyang bahay at nakita umano ito ng kanyang kapitbahay na nakainom kahapon ng hapon.

Pasado alas 7:00 ngayong umaga nang makita ng kanyang mga kapitbahay na sina Alipio Agonoy at Nestor Tugawin na nakahandusay ang biktima sa kanyang higaan.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.

Facebook Comments