Bangkay ng Lalaki sa Cabagan Isabela, Natagpuang Palutang-lutang sa Tabi ng Ilog Cagayan!

Cabagan, Isabela – Natagpuan kahapon sa tabi ng ilog Cagayan ang bangkay ng isang lalaki partikular sa Brgy. Cubag, Cabagan, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Pablo Tumbali, hepe ng Cabagan Police Station, sinabi niya na itinawag umano ng isang concerned citizen ang palutang-lutang na bangkay sa nasabing lugar.

Aniya sa pagresponde ng kaniyang mga tauhan ay napag-alaman na isang bangkay ng lalaki na nakasuot ng maong na pantalon at itim na jacket, nasa edad kwarenta pataas, nasa katamtaman ang pangangatawan at nasa mahigit lima ang taas.


Sinabi pa ni Police Senior Inspector na natalian ng masking tape ang kamay ng bangkay na patalikod at may nakatali rin umano na bato sa parte ng tiyan upang hindi ito lumutang kaagad.

Kinumpirma rin ng opisyal na nasa stage of dicomposition na ang bangkay kung saan ay dinala na sa Ramos Funeral Homes ng Cabagan, Isabela.

Facebook Comments