BANGKAY NG LOLA, NAREKOBER SA ILOG SA MANAOAG

Narekober ng awtoridad ang katawan ng isang lola sa ilog ng Patalan Sabangan, Brgy. San Ramon, Manaoag, Pangasinan.

Ayon sa apo ng biktima, hapon ng September 11 pa nang huli nitong nakita ang kanyang lola ngunit gabi ng sumunod na araw pa naireport sa awtoridad.

Makalipas ang dalawang araw, bangkay na nang natagpuan ng isang residente ang katawan ng biktima sa gilid ng ilog.

Agad narekober ng awtoridad ang bangkay at isinuko sa pamilya ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments