BANGKAY NG LOLA, NATAGPUAN SA DIKE SA CALASIAO, PANGASINAN

Bumulagta sa ilang mga residente ang katawan ng isang 80 anyos na lola sa isang bahagi sa dike ng Brgy. Nalsian, Calasiao, Pangasinan.
Ayon sa ilang residente, nakita umano ang nakahandusay na katawan nang papunta ang mga ito upang maligo sa naturang lugar.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Calasiao Police Station, Chief of Police PLtCol. Ferdinand Lopez, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na posibleng nahulog mula sa dike na may labinlimang talampakan ang agwat sa lupa kung saan siya bumagsak dahilan ng kanyang pagkasawi.
Nagtamo ng minor injuries ang biktima at walang nakitang anumang senyales ng foul play sa insidente. Ani Lopez, nakuha na ang katawan ng biktima ng taong kumupkop dito dahil wala itong kaanak. Napag-alaman din na nakararanas ang biktima ng mental illness. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments