Bangkay ng Magsasaka, Naaagnas ng Matagpuan sa Sapa

31

Cauayan City, Isabela- Naaagnas na ang nakasakong bangkay ng isang magsasaka ng matagpuan ito sa isang sapa dakong alas-4:00 kahapon sa Barangay Marobbob, Amulung, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si Wilfredo Blance, 56-anyos, walang asawa at residente ng Barangay Sta. Barbara, Iguig.


Sa panayam ng iFM Cauayan kay PMAJ. Osmundo Mamanao, hepe ng PNP Amulung, laking gulat ng saksi na masangsang na amoy ng isang bangkay ng lalaki ang nakitang nakasako malapit sa isang sapa.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, may taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima partikular sa kanyang kamay, leeg na malalim ang pagkakataga at sa kanyang ulo na posibleng dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ayon pa sa hepe, isang nakikitang motibo sa pagpatay sa biktima ay may kinalaman umano sa matagal na alitan sa lupa habang may sinusundan na silang ‘person of interest’ sa ikakaresolba ng kaso.

Nakikitang indikasyon na Itak at Tabas ang ginamit sa pananaga sa biktima.




Nabatid na isang (1) linggo na itong hindi umuuwi sa kanilang tirahan hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay.

Facebook Comments