Bangkay ng Magsasaka, Narekober sa Sapa!

212

*Jones, Isabela- *Bangkay na nang matagpuan ng mga otoridad ang isang magsasaka na isang araw ng nawawala sa Brgy. San Roque, Jones, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng tawag ang himpilan ng PNP Jones mula sa isang concerned citizen hinggil sa nakitang bangkay ng lalaki sa isang sapa na hinihinalang nalunod.


Sa pagresponde ng mga otoridad ay narekober ang bangkay ng biktima na kinilalang si Garry Antonio, 47 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. San Roque, Jones, Isabela.

Nabatid na nawawala ang biktima kagabi, Hunyo 17, 2019 at natagpuan na lamang ito ng kanyang asawa at kapitbahay na nakalutang sa sapa na sakop ng nasabing barangay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing insidente.

Facebook Comments

From Advertisers