Bangkay ng Mangingisda na Hinihinalang Nalunod, Narekober!

Cauayan City, Isabela- Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng mga otoridad sa tabing ilog ng Pinacanauan sa Barangay Maligaya, Palanan, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Kutay Salazar, 60 anyos, walang asawa, mangingisda at residente ng Barangay Disucad, Divilican, Isabela.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng PNP Palanan mula sa MDRRMC na mayroong natagpuan na isang bangkay ng lalaki.


Agad naman rumesponde ang pulisya at ayon sa Doktor na sumuri sa biktima, walang nangyaring foul play sa pagkamatay nito kundi biktima ito ng pagkalunod.

Facebook Comments