Tiniyak ni Mexican President Andres Manuel Lopez na ire-rekober ang higit 60 bangkay ng mga minerong namatay sa malawakang coal shaft explosion noong 2006.
Ito ang kanyang humanitarian promise sa pamilya ng mga biktima.
Ayon kay Lopez – hindi niya inaasahang kokontrahin siya ng kumpanyang nag-o-operate ng minahan.
Pero iginiit niya na ito ay pagbibigay hustisya at gagawin niya ang lahat ng kailangan para maisagawa nag misyon.
Ang minahan ay pinapatakbo ng Grupo Mexico, isa sa largest miners sa Latin America.
Iginiit ng kumpanya na ito ay isang unfortunate accident at nagbigay na ng ayuda sa mga pamilya ng mga biktima.
Gumastos na rin sila ng 30 million dollars o 1.5 billion pesos para mahanap ang mga nawawala pang minero.
Facebook Comments